^

PSN Palaro

4-peat sa SEAG target ni Marcial

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido si three-time SEA Games champion Eumir Felix Marcial na sumalang sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa susunod na taon sa Hanoi, Vietnam.

Bagama’t nasa professional level na, handa si Marcial na sumalang sa biennial meet para masungkit ang ikaapat na sunod na gintong medalya sa middleweight class.

Tatlong edisyon nang dinodomina ni Marcial ang kanyang dibisyon.

Nagsimula ito noong 2015 SEA Games sa Singapore kasunod ang pamamayagpag sa 2017 Malaysia Games at 2019 edisyon na ginanap sa Pilipinas.

Pinahihintulutan ang mga professional boxers na sumabak sa SEA Games.

Kaya naman bukas na bukas ang pintuan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para kay Marcial.

Matatandaang nagawa na ito dati ni Charly Suarez na nag-pro boxing subalit bumalik sa national team para sumabak sa amateur tournaments.

Nasa mataas na lebel pa si Marcial na sariwa sa matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics kung saan naibulsa nito ang tansong medalya.

Matapos ang Tokyo Olympics, sesentro muna ang atensiyon ni Marcial sa ilang professional fights na inihahanda ng MP Promotions para sa kanya.

Ayon kay Marcial, magandang pagkakataon ang ilang pro fights bago sumabak sa Hanoi SEA Games na planong ganapin sa Mayo.

vuukle comment

SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with