_ngayon
^

PSN Palaro

Tuloy o hindi? SEAG sa 2022 dedesisyunan sa Oktubre

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tuloy o hindi? SEAG sa 2022 dedesisyunan sa Oktubre
“The consensus was for Vietnam to make a decision, otherwise, the 31st SEA Games would be canceled,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino matapos ang online meeting ng SEAG Federation noong Biyernes.

MANILA, Philippines — Hanggang kahapon ay wala pang desisyon ang Vietnam para sa pagdaraos ng 31st Southeast Asian Games na naapektuhan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kaya naman binigyan na sila ng SEA Games Federation ng ultimatum sa Oktubre para magdesisyon kung itutuloy ang pamamahala sa biennial event sa 2022 o tuluyan na itong kakanselahin.

“The consensus was for Vietnam to make a decision, otherwise, the 31st SEA Games would be canceled,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino matapos ang online meeting ng SEAG Federation noong Biyernes.

Nagkaisa ang pederas­yon na sa Mayo 2022 ang pinakamagandang petsang isagawa ang SEA Games na orihinal na natakatakda sa Nobyembre ng taong ito.

“There are three major Asian and two international competitions in 2022,” paliwanag ni Tolentino. “That leaves Vietnam a very small window to hold the SEA Games.”

Idaraos ang Asian Indoor and Martial Arts Games sa Marso 10-20 sa Thailand habang sa Setyembre 10-25 nakatakda ang Asian Games sa Hangzhou, China at ang Shantou Asian Youth Games ay sa Disyembre 20-28.

Gagawin naman ang Beijing Winter Olympics sa Pebrero 4-20 at nakaiskedyul ang International Olympic Committee-sanctioned World Games sa Hulyo 7-22 sa Birmingham, Alabama, USA.

SEAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with