Valdez may tsansa pa sa national team

Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — May pagkakataon pang makasama ang ilang key players sa women’s na­tional volleyball team kabilang na si outside hitter Alyssa Valdez.

Inihayag ni national team commission chairman Tony Boy Liao na bukas ang pintuan ng national team para sa iba pang players ng Premier Volleyball League (PVL) na posibleng maging bahagi ng koponan.

Maliban kay Valdez, kasama rin sa mainit na pinag-uusapan sina setter Jia Morado ng Creamline, at opposite hitter Kat Tolentino ng Choco Mucho na pare-parehong nagpahayag na handang maging bahagi ng national team kung bibigyan ng pagkakataon.

Nilinaw naman ni Liao na nakasalalay ang lahat sa magiging desisyon ng coaching staff na pina­ngungunahan nina Bra­zilian coach Jorge Edson Souza de Brito at local mentor Odjie Mamon kung iimbitahan sina Valdez, Morado at Tolentino.

Sa kasalukuyan, t­a­nging sina Dindin Santiago-Manabat ng Chery Tiggo, MJ Philips ng Sta. Lucia Realtors at Rhea Dimaculangan ng PLDT Home Fibr ang isinama sa pool.

Inimbitahan din sina F2 Logistics players Dawn Macandili, Kim Kianna Dy at Tin Tiamzon.

Nagpasya naman sina Kim Fajardo at Ara Galang na lumiban sa pagkakataong ito upang magpagaling sa injury. Kasama sina Fajardo at Galang sa mga inimbitahan ng coaching staff.

Nauna nang pina-ngalanan sa pool sina Aby Maraño, Jaja Santiago, Majoy Baron, Mylene Paat, Eya Laure, Iris Tolenada at Ria Meneses na dumating sa tryout na isinagawa noong Abril sa Subic.

Kasama nila ang mga bagitong players na sina Faith Nisperos, Alyssa Solomon, Michaela Belen, Ivy Lacsina, Jen Nierva, Kamille Cal, Imee Hernandez at Bernadeth Pepito.

Show comments