_ngayon
^

PSN Palaro

Timberwolves star bumisita kay Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Timberwolves star bumisita kay Pacquiao
Binisita ni Timberwolves star Karl Anthony Towns si Manny Pacquiao sa kanyang training.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tuloy ang pagdagsa ng mga sports personalities at celebrities sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Pinakahuling bumisita si NBA star Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves na personal na pinanood ang isinasagawang ensayo ng Pinoy champion.

Nagbigay pa ng jersey si Towns kay Pacquiao.

Nagpakuha pa ng la­rawan si Towns sa ilang world championship belt ni Pacquiao gayundin sa pirmadong gloves nito.

“Had the opportunity to meet the legend work,” ani Towns sa kanyang post sa social media.

Ibinahagi rin ni Pacquiao ang larawan nito kay Towns sa kanyang social media.

Noong nakaraang linggo, bumisita rin si NBA Sixth Man of the Year awardee Filipino-American Jordan Clarkson ng Utah Jazz kasama si singer Apl. de.Ap.

Nasa pukpukang ensayo na si Pacquiao para paghandaan ang laban nito kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.

Nakatakda ang inaasahang blockbuster fight nina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Excited na si Pacquiao na magbalik sa ring matapos ang dalawang taon na pagkakatengga dahil sa pandemya.

“Cannot wait to get back in the ring on August 21,” ani Pacquiao sa kanyang post na may kalakip na v­ideo ng puspusang pag­hahanda  kasama sina Hall of Famer Freddie Roach at chief trainer Buboy Fernandez sa Wild Card Gym.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with