_ngayon
^

PSN Palaro

Didal yuko sa 13-anyos na karibal

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Didal yuko sa 13-anyos na karibal

TOKYO — Bigo mang makasama sa isang podium finish ay dapat pa ring ipagmalaki si Margielyn Didal dahil sa pag-entra sa Top Eight sa women’s street skate event sa skateboarding debut sa Olympic Games.

Tumapos ang Cebuana skater sa pang-pito sa kanyang iskor na 7.52 sa hanay ng walong finalists na kinabibilangan ng mga 13-anyos na sina Momiji Nishiya ng Japan at Rayssa Leal ng Brazil kahapon sa Ariake Urban Sports Center.

Inangkin ni Nishiya ang gold medal sa itinalang 15.26 habang kinuha ni Leal ang silver sa isinumiteng 14.64 kasunod ang 16-anyos na si Japanese Funa Nakayama (14.49) para sa bronze.

Nasa ilalim naman ni Didal si World No. 3 Aori Nishimura (6.92) ng Japan.

Mas maganda ang performance ng 22-anyos na si Didal sa qualifying kung saan siya naglista ng 12.02 points para pumuwesto sa pang-pito sa kabuuang 20 skaters.

Bukod kay Nishiya, inangkin din ng kanyang kababayang si Yuto Horigome ang gold medal sa men’s street skate.

MARGIELYN DIDAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with