_ngayon
^

PSN Palaro

Team USA sinorpresa ng France

Pilipino Star Ngayon

SAITAMA, Japan — Bigo sina Kevin Durant, Jrue Holiday, Zach LaVine at Bam Adebayo sa kanilang mga tira sa krusyal na posesyon ng Team USA sa dulo ng laro.

Ang resulta nito ay ang 83-76 panalo ng France tampok ang 28 points ni Evan Fournier sa Tokyo Olympics men’s basketball tournament kahapon.

“The ball goes in or it doesn’t,” ani US coach Gregg Popovich. “Sometimes you make shots and sometimes you don’t.”

Nag-ambag si Rudy Gobert ng 14 points at may 13 markers si Nando de Colo para sa mga Frenchmen na nakabangon mula sa 10-point deficit para agawin ang 76-74 abante mula sa triple ni Fornier sa huling 57 segundo.

Umiskor si Holiday, dumating sa Tokyo sa bisperas ng Olympic basketball opener matapos ang pagkopo ng Milwaukee Bucks sa NBA crown, ng 18 points para pamunuan ang mga Americans.

Susunod na makakatapat ng USA ang Iran at haharapin ng France ang Czech Republic.

Samantala, humataw si Luka Doncic ng 48 points sa kanyang Olympic debut para akayin ang Slovenia sa 118-100 pagdaig sa Argentina.

USA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with