_ngayon
^

PSN Palaro

15-man Gilas squad sa Jordan tourney inilabas na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 15-man Gilas Pilipinas na sasabak sa King Abdullah Cup sa Jordan.

Nangunguna sa lista­han ang nagbabalik-Gilas Pilipinas na si Thirdy Ra­vena na galing sa kam­panya sa Japan B.League kasama ang San-En NeoPhoenix.

Pasok din sina natura­lized player Angelo Kouame, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, SJ Belangel, Geo Chiu, Isaac Go, Jordan Heading, Dave Ildefonso, William Navarro, Matt Nieto, Mike Nieto, Dwight Ramos, Rey Suerte at Carl Tamayo.

Wala sa lineup si Kai Sotto na nakatakda nang tumulak sa Australia para makasama ang Adelaide 36ers sa paghahanda nito sa National Basketball League-Australia.

Tatakbo ang Jordan pocket tournament mula Hulyo 25 hanggang Agosto 3 kung saan maliban sa Pilipinas at Jordan, masisilayan din sa torneo ang Saudi Arabia, Egypt at Tunisia.

Mapapalaban agad ang Gilas Pilipinas sa Hul­yo 26 laban sa Egypt kasunod ang pagsagupa sa Saudi Arabia sa Hulyo 27.

Haharapin din ng Gilas Pilipinas ang Jordan B sa Hulyo 28, Tunisia sa Hul­yo 29 at ang Jordan A sa Hulyo 30.

Matapos ang round-robin elimination, ang apat na mangungunang koponan ang maghaharap sa crossover semis.

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with