^

PSN Palaro

James pinalakas ang tsansa ng Lakers sa playoff spot sa West

Pilipino Star Ngayon
James pinalakas ang tsansa ng Lakers sa playoff spot sa West
LeBron James
AFP

INDIANAPOLIS, Philippines — Matapos ang six-game absence ay nagbalik si LeBron James at kumamada ng 24 points, 8 assists at 7 rebounds sa 122-115 panalo ng nagdedepensang Los Angeles Lakers sa Indiana Pacers.

Hindi nakita sa aksyon si James sa nakaraang anim na linggo bunga ng kanyang high ankle sprain.

Humataw si Anthony Davis ng 28 points para sa Lakers (41-30) na puwedeng angkinin ang No. 6 spot sa Western Conference playoffs.

Ito ay kung tatalunin nila ang talsik nang New Orleans Pelicans (31-40) kasabay ng pagkatalo ng Portland Trail Blazers (41-30) sa Denver Nuggets (47-24).

Sakaling magtapos ang Lakers bilang No. 7 team sa pagtiklop ng regular season ay lalaban sila sa play-in tournament at sasagupain ang No. 8 squad para pag-agawan ang No. 7 ticket sa playoffs.

Alinman sa Golden State Warriors (38-33) at Memphis Grizzlies (38-33) ang maaaring makatapat ng Lakers sa play-in kung matatalo sila sa Pelicans.

Sa San Antonio, pinatibay ng Phoenix Suns (50-21) ang pag-asang makopo ang No. 1 berth sa West nang angkinin ang 140-103 tagumpay sa Spurs (33-38).

Sa Milwaukee, lumakas ang tsansa ng Bucks (46-25) na masikwat ang No. 2 lot sa East makaraang kunin ang 122-108 panalo sa Miami Heat (39-32).

vuukle comment

JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with