_ngayon
^
Taekwondo jins ibibigay ang lahat para makakuha ng Olympic berth
Kirstie Elaine Alora

Taekwondo jins ibibigay ang lahat para makakuha ng Olympic berth

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibubuhos na nina national taekwondo jins Kirstie Elaine Alora, Pauline Lopez, Kurt Barbosa at Arven Alcantara ang lahat para makakolekta ng tiket sa 2021 Olympic Games.

Umalis na kahapon ang apat na Pinoy bets para sumabak sa Asian Qualification Tournament sa Amman, Jordan sa Mayo 21 at 22.

“For sure, kapag ginawa nila ang best nila sa qualification, which is just one more step to qualify for Tokyo, then, magbubunga iyung sacrifices nila,” ani  national coach Caloy Padilla.

Ang nasabing Olympic qualifying tournament ang pinakahuling pagkakataon nina Alora, Lopez, Barbosa at Alcantara para makasama sa Olympics sa Tokyo, Japan sina rower Cris Nievarez, weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Hangad din ng 31-an­yos na si Alora ang kanyang ikalawang sunod na Olympic appearance matapos noong 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan binuhat ni Diaz ang silver medal.

“Lahat kami dream makapag-compete sa Olympics, lahat kami gutom,” ani Alora na kakampanya sa women’s +73-kilogram  habang lalahok sina Lopez, Barbosa at Alcantara sa women’s -56kg at men’s -58kg at -68kg., ayon sa pagkakasunod.

Awtomatikong aabante sa 2021 Tokyo Olympics ang dalawang finalists sa bawat weight division.

Para paghandaan ang Tokyo Games ay pumasok ang apat na national taek­wondo jins sa bubble trai­ning sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

TAEKWONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with