Asian Boxing C’ships kinansela

MANILA, Philippines — Kinansela ang Asian Boxing Championship sa India na lalahukan sana ng national boxing team bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.

Nakatakda sanang magtungo ang Pinoy pugs sa New Delhi para magpartisipa sa Asian meet na lalarga mula Mayo 31-31-- ang final tuneup ng Tokyo-bound boxers.

Subalit kinansela ito ng mga organizers matapos tumaas ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) doon.

Sinabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson na posibleng ilipat na lamang ito sa ibang lugar.

Ayon kay Picson, pinag-aaralan pa ng Asian Boxing Confederation (ABC) kung saan ito maaaring ganapin at tinitignan ang United Arab Emirates at Bahrain na posibilidad na pagdausan ng torneo.

Kabilang sana sa mga lalahok sa torneo sina Tokyo Olympics qualifiers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Show comments