Database ng mga Pinoy Olympians isinusulong ni Thomson

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Philippine swimming icon Gillian Akiko Thomson ang pagkakaroon ng ‘database’ para sa mga national athletes na sumabak sa Olympic Games kagaya niya.

Sinabi ng pangulo ng Philippine Olympian Association (POC) na malaki ang maitutulong nito para malaman ang rekord ng mga atletang kumatawan sa bansa sa quadrennial event.

“Both the Philippine Olympic Committee (POC) and the Philippine Sports Commission (PSC) has no official record on the athletes accounts during their  time,” wika kahapon ni Thomson sa ‘Usapang Sports on Air’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Sa kanyang pagiging national swimmer ay lumangoy ang 46-anyos na si Thomson ng walong gold medals simula noong 1987 hanggang 1993. Kinatawan din niya ang bansa sa Olympics noong 1988, 1992 at 1996.

Sinabi ni Thomson, dating Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC), na hindi lamang ang record ng mga Olympian ang prayoridad ng POA kundi pati ang pagkakaroon ng ‘Trust Fund’ para sa mga Olympians.

“We’re also planning to lobby with the Congress to amend the law in the Athletes Incentives Act. Baka maisama na rin ang Olympian para mabigyan ng tulong pinansyal,” ani Thompson.

Pinuri rin ng dating national tanker ang PSC sa pag­lulunsad ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Show comments