^

PSN Palaro

Parks absent muna sa Season 46

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Parks absent muna sa Season 46
Talk ’N Text forward Bobby Ray Parks Jr.
Asean Basketball League/File

MANILA, Philippines — Nagdesisyon si Talk ’N Text forward Bobby Ray Parks Jr. na lumiban sa PBA Season 46 dahil sa personal na rason.

Inilabas ni Parks ang statement nito sa kanyang mga social media accounts kung saan partikular na tinukoy nito ang kanyang personal na buhay sa pamilya.

“It is with a heavy heart that I will have to excuse myself and not partake in this year’s PBA season due to personal reasons which in particular, my family,” ani Parks.

Nakikipag-usap na si Parks sa TNT management upang ipaalam ang kanyang sitwasyon ngunit buo na ang pasya nito na pagtuunan muna ng pansin ang kanyang pamilya.

“It was not an easy decision to make, especially since I’ve been in constant talks with TNT management but right now, this is what’s best for me and my family,” ani Parks.

Maganda ang inilaro ni Parks sa nakalipas na PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark bubble.

Nagtala ito ng impresibong averages na 20.1 points, 8.2 rebounds at 2.6 assists upang tulungan ang Tropang Giga na makuha ang runner-up finish sa Philippine Cup.

Naging kandidato pa ito para sa Best Player of the Conference award.

Umaasa si Parks na agad itong makababalik sa Tropang Giga sa oras na maayos na ang lahat ng kanyang problema sa pamilya.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with