^
12 PBA teams gagawaran ng Presidentâs Award
Ito ay dahil sa sakri­pisyo at suportang ibinigay ng mga members team sa nakaraang 2020 PBA Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.
STAR/ File

12 PBA teams gagawaran ng President’s Award

(Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Igagawad ng PBA Press Corps ang President’s Award sa 12 ballclubs sa kanilang virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Ito ay dahil sa sakri­pisyo at suportang ibinigay ng mga members team sa nakaraang 2020 PBA  Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

Ang ‘Heroic 12’ ay binu­buo ng Barangay Ginebra, TnT Tropang Giga, Meralco, Phoenix, San Miguel, Alaska, Magnolia, Rain or Shine, NLEX, Blackwater, NorthPort at Terrafirma.

Ibibigay din kay Bulakan, Bulacan Mayor at 1995 MVP Vergel Me­neses ang 2019 Presidential award sa hour-long program na inihahandog ng Cignal TV at pamamahalaan nina hosts Rizza Diaz at Carlo Pamintuan.

Papangalanan naman ang mga Outstanding Coach of the Bubble at Mr. Executive.

Ang iba pang tatanggap ng tropeo ay sina Justin Chua (Top Bubble D-Fender), Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger at Chua (All Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Pe­rez (Scoring Champion), ang Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Bubble) at sina A­aron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona at Renzo Subido (All-Rookie Team).

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with