^

PSN Palaro

Abanse Negrense-1 kampeon sa PSL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang malakas na puwersa ang inilatag ng Abanse Negrense-1 upang pulbusin ang Sta. Lucia Realtors-1, 21-15, 21-17, para angkinin ang korona sa 2021 Beach Volleyball Challenge Cup kahapon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Matatalim na atake ang pinakawalan ni Alexa Polidario habang mahuhusay na ball placements ang naging armas ni Erjane Magdato upang maagang makuha ng Abanse Negrense-1 ang 1-0 bentahe sa set.

Mainit ang simula nina Sta. Lucia Realtors-1 spikers DM Demontano at Jackie Estoquia sa second set para makuha ang 6-4 bentahe.

Ngunit ilang krusyal na errors sa attacks at service area ang nagawa nito dahilan upang makabalik sa porma ang Abanse Negrense-1.

Nagawang makatabla ng Sta. Lucia Realtors-1 sa 14-all subalit iyon na lamang ang nakayanan nito nang pakawalan ng Abanse Negrense-1 ang 7-1 run tampok ang game winning attack ni Polidario para makuha ang korona.

Ito ang ikatlong sunod na runner-up finish nina Demontano at Estoquia matapos pumangalawa sa Petron noong 2018 at 2019 edisyon ng PSL.

Nasikwat nina Cosas at Villanueva ang ikatlong puwesto nang gapiin nito sina Pineda at Sabete sa iskor na 21-13, 22-20.

Sa classification round, pinataob ng F2 Logistics ang United Auctioneers, 21-14, 21-11, para makuha ang ikalimang puwesto habang nagtapos sa ikapito ang Toby’s Sports nang payukuin nito ang Kennedy Solar Energy-Petro Gazz, 21-14, 21-14.

vuukle comment

BEACH VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with