^

PSL beach volley papalo ngayon!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalarga ngayong araw ang mainit na hatawan sa 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup na idaraos sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sand courts.

Rambulan ang walong koponan na hinati sa Pool A at Pool B.

Masisilayan sa Pool A sina Jenny Mar Senares at Kyla Angela Gallego ng F2 Logistics, Ariane Luna Alarcon at Christina Canares ng PetroGazz, Bang Pineda at Jonah Sabete  ng Sta. Lucia-2 at sina Alexa Polidario at Erjan Magdato ng Abanse Negrense-1.

Nasa Pool B sina DM Demontano at Jackie Estoquia ng Sta. Lucia-1, Ella Viray at Theresa Ramas ng United Auctioneers, Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva ng Abanse Negrense-2 at Jonah San Pedro at Javen Sabas ng Toby’s Sports.

Sa unang laro, papalo ang bakbakan ng F2 Logistics at PetroGazz sa alas-8 ng umaga kasunod ang engkuwentro ng United Auctioneers at Abanse Negrense-2 sa alas-9.

Raratsada ulit ang F2 Logistics laban naman sa Abanse Negrense-1 sa alas-10 at ang United Auctioneers at Toby’s Sports sa alas-11.

Sa hapon, aarangkada ang salpukan ng Sta. Lucia-2 at Abanse Negrense-1 sa alas-2 kasunod ang laro ng Sta. Lucia-1 at Toby’s Sports sa alas-3, Sta. Lucia-2 at PetroGazz sa alas-4, at Sta. Lucia-1 at Abanse Negrense-2 sa alas-5.

Sa format ng torneo, ipatutupad ang round robin sa bawat pool para malaman ang final ranking sa crossover quarterfinals.

SBMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with