^
Bulanadi, Nieto extended sa Gilas
Sina Bulanadi at Nieto ay bahagi ng special Gilas draft noong nakaraang taon.
Ernie Peñaredondo

Bulanadi, Nieto extended sa Gilas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatili muna sa Gilas Pilipinas sina Allyn Bulanadi at Mike Nieto matapos bigyan ang mga ito ng one-year extension ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Sina Bulanadi at Nieto ay bahagi ng special Gilas draft noong nakaraang taon.

Kinuha ng Alaska si Bulanadi habang nahugot naman ng Rain or Shine si Nieto.

Sa oras na matapos na ang kanilang duty sa Gilas Pilipinas, mapupunta na ang dalawa sa kani-kanyang mother team sa PBA.

Inilabas nina Bulanadi at Nieto ang magandang balita sa kani-kanyang social media accounts.

“Eversince I started pla-ying basketball, it has always been my dream to be given the chance to represent my country. But because of unexpected injury, I wasn’t able to realize that dream last year,” ani Bulanadi.

Nagpapagaling pa si Bulanadi matapos sumailalim sa operasyon sa tinamo nitong shoulder injury sa training camp ng Gilas para sa second window ng qualifiers noong Nobyembre.

Isang simpleng “Year 2” lamang ang naging caption ni Nieto sa kanyang post.

Si Nieto ay kasalukuyang nasa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna para makasama ang Gilas Pilipinas pool na nagha-handa sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Nasilayan na sa aksyon si Nieto sa second window sa Manama, Bahrain kung saan binugbog ng Pilipinas ang Thailand sa iskor na  93-61.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with