^
Cone gustong ibalik si Slaughter
Tim Cone
PBA media bureau

Cone gustong ibalik si Slaughter

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na maibalik sa lineup si slotman Greg Slaughter para sa susunod na kumperensiya ng liga.

Sariwa pa ang Gin Kings sa matamis na kam­peonato sa PBA Season 45 Philippine Cup ngunit ang title defense na agad ang nasa isip ni Cone.

“I would love to have Greg back on the team, and that would help Japeth out in terms of giving him a break and we could be a little bit more creative in the way we play. We get Greg back and move forward to the All-Filipino,” wika ni Cone.

Kinaya ng Gin Kings na magkampeon nang wala si Slaughter. Subalit nanindigan si Cone na kakailanganin pa rin nito ang 7-foot-0 Filipino-American cager upang mas lalong maging malakas ang tsansa nito.

Hangad ni Cone na maging solido ang koponan partikular na sa shaded area na kayang ibigay ni Slaughter.

Ilang buwan na ring bakante si Slaughter.

Sa katunayan, kating-kati na itong bumalik sa aksyon hindi lamang ang Barangay Ginebra maging ang Gilas Pilipinas.

Kaya naman asahan ang mainit na pagbabalik ni Slaughter sa susunod na taon sa oras na maplantsa ang kontrata nito sa Gin Kings.

Asahan na rin ang mas mabagsik na Barangay Ginebra na handang makipagbakbakan para mapanatili ang korona sa kanilang palad.

GREG SLAUGHTER TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with