TNT angat sa game 3
Inatake ni TNT big man Troy Rosario si Ginebra rookie Arvin Tolentino sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals kagabi.
PBA Image

TNT angat sa game 3

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Diniskaril ng TNT Tropang Giga ang paglapit ng Barangay Ginebra sa korona.

Bumangon ang Tropang Giga sa dalawang sunod na kamalasan para agawin ang 88-67 panalo sa Game Three ng 2020 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Idinikit ng TNT sa 1-2 ang kanilang best-of-seven championship series ng Ginebra at may tsansang makatabla sa Game Four bukas.

Ginawa ito ng Tropang Giga bagama’t hindi naglaro si Ray Ray Parks Jr. sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa strained left calf injury na nagpaupo sa kanya sa Game Two noong Miyerkules.

“Kailangan naming manalo eh. Masaya lang kami kasi we stick to our system,” wika ni TNT head coach Bong Ravena. “Si­guro medyo minalas lang ‘yung Ginebra, hindi sila gaanong naka-shoot.”

Tumipa si RR Pogoy ng 18 points para sa Tropang Giga at nagdagdag sina Jayson Castro, Troy Rosario, Simon Enciso at Poy Erram ng tig-15, 14 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni LA Tenorio ang Gin Kings sa kanyang 19 points at may 15 markers at 9 rebounds si Japeth Aguilar habang nalimitahan sa 11 points si Stanley Pringle.

Samantala, walang Most Valuable Player (MVP) tropy na igagawad sa awarding ng individual awards sa PBA Season 45.

Matapos ang board meeting, ito ang napagdesisyunan ng pamunuan ng PBA dahil tanging iisang conference lamang ang naisagawa sa season na ito.

Karaniwan nang pinapangalanan ang isang MVP base sa performance nito sa tatlong kumperensiya ng liga — ang Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.

Subalit dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, tanging ang Philippine Cup lamang ang naisagawa na kasaluku­yang ginaganap sa Clark, Pampanga.

Wala rin ang Rookie of the Year award gayundin ang Mythical Selection.

Tanging Best Player of the Conference lamang ang ibibigay para sa natatanging manlalarong na­ngibabaw sa Philippine Cup.

Papalitan ang Rookie of the Year award ng Most Outstanding Rookie habang ang Mythical Team ay gagawin namang Special Team.

Mananatili ang Sportsmanship Award at Most Improved Player awards.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with