Gilas Pilipinas mas mabagsik!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

Part 2 ng Philippine-Thailand aariba ngayon

MANILA, Philippines — Mas mainit na Gilas Pilipinas ang masisilayan sa pagkakataong ito kontra sa Thailand upang magarbong tapusin ng tropa ang second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginaganap sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa ikalawang pagkakataon ang Thailand sa alas-4 ng hapon (alas-9 ng gabi sa Maynila).

Pakay ng bagitong Gilas squad na masundan ang kanilang impresibong 93-61 pagwasak sa Thailand noong Biyernes.

Sa kabila ng dalawang araw na rest days, hindi na nagawang magpahinga pa ng Gilas Pilipinas dahil ginugol nito ang lahat ng oras sa matinding ensayo para paghandaan ang laban.

Alam ng coaching staff na pinag-aralan na ng Thailand ang bawat galaw ng Gilas Pilipinas kaya na­man walang puwang ang pagiging kampante sa pagkakataong ito.

“The next game is pro­bably going to be different. They’re gonna adjust their game plan. They played us before so they’ll make some adjustments,” ani Dwight Ramos na siyang nanguna sa hanay ng Gilas noong Biyernes matapos magtala ng 20 puntos.

At desidido ang Gilas Pilipinas na ibuhos na ang lahat ng lakas nito para pigilan ang anumang pagresbak na gagawin ng Thailand.

“We’ll make some adjustments as well. You never know next game. It could be tight, so we got to improve and be better,” ani Ramos.

Tututukan ng Gilas Pilipinas si Montien Wongsawangtham na nanguna sa kanilang huling laro bitbit ang 17 puntos gayundin si Nakorn Jaisanuk na nagtala ng 12 puntos — lahat galing sa three-point territory.

Target ng Pinoy squad na makuha ang ikatlong panalo sa qualifiers para ma­kalapit sa inaasam na slot sa FIBA Asia Cup proper.

Magkasosyo sa una­han ng Group A ang Pilipinas at South Korea tangan ang parehong 2-0 baraha kasunod ang Indonesia na may 1-2 habang nasa ilalim ang Thailand na wala pang panalo sa tatlong laro.

Sa kanilang ikalawang asignatura sa Manama, lumasap ang Thailand ng 76-90 pagyuko kontra sa Indonesia.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with