Thirdy positibo sa COVID-19
Thirdy
STAR/File

Thirdy positibo sa COVID-19

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

Maayos na ang kondisyon sa Japan

MANILA, Philippines — Walang dapat ipag-alala dahil nasa mabuti itong lagay.

Ito ang inihayag ni Thirdy Ravena matapos itong magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Japan.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Ravena na maayos ang kanyang lagay kasabay ng pagpapaalala na patuloy ang gawing pag-iingat dahil hindi pa tapos ang COVID-19 crisis.

Nagpasalamat din ito sa mga magagandang mensahe na ipinaabot ng kanyang mga fans at kapwa players sa kanyang mga social media accounts.

“All good over here. Appreciate all the love and concern over the past 24 hours. I feel  well already but have to follow quarantine protocols indefinitely,” ani Ravena.

Nagpapagaling na si Ravena na kasalukuyang naka-quarantine bilang bahagi ng health protocols sa Japan.

Noong Biyernes ng gabi, isiniwalat ng San-En NeoPhoenix ang sitwasyon ni Ravena.

Ang San-En ang koponan ni Ravena sa Japan B.League.

Ayon sa statement ng San-En, ipinaalam ni Ravena sa kanilang team trainer na mayroon itong sore throat at mataas na lagnat na umabot sa 38.2 degrees celsius.

Agad itong isinailalim sa swab test sa Toyohashi City Health Center kung saan lumabas na positibo ito sa COVID-19.

THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with