Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualifiers
Al Panlilio
STAR/ File

Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualifiers

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Bagito man pero lalarong beterano

MANILA, Philippines — Sa kabila ng batang lineup, asahan ang isang palabang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na aarangkada bukas sa Manama, Bahrain.

Bahagi ng program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magpadala ng batang lineup sa mga international tournaments.

At naniniwala ang lahat na hindi bibiguin ng Gilas Pilipinas ang buong sambayanan dahil inaasahang lalabas ang bangis nito laban sa Thailand.

“Everybody is raring to go. Mga bata eh so I guess the energy, the passion of the youth. Tab (Baldwin) was saying it’s very inspiring to see these young men carry our flag in such a very unusual period of tournaments,” ani SBP president Al Panlilio.

Sa katunayan, isa ito sa pinakabatang lineup ng Gilas Pilipinas sa isang Asian-level tournament.

Subalit hindi ito basta-bastang Gilas Pilipinas dahil gigil ang bawat mi­yembro nito na patunayan ang kanilang kakayahan.

Pinakabeterano sina Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez de Liaño, Kobe Paras at Dwight Ramos dahil dati na silang naging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Kaya naman ibinahagi ng apat ang magandang karanasang kanilang natutunan sa Gilas Pilipinas sa kanilang mga bagong katropa.

Makakasama ng limang beterano ang baguhang sina Mike Nieto, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana at Kemark Carino.

Baguhan sa international competition ngunit malalim ang kanilang karanasang natutunan sa college teams na inaasahang dala ng bawat isa sa qualifiers.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with