Rise Up! Shape Up! web series ilulunsad ng PSC
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay hinikayat ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga kababaihan, matanda at bata, na sumabak sa sports.

“We encourage our women and girls to rise above the situation while shaping up an active lifestyle adaptive to the so-called New Normal,” ani Ramirez.

Kaugnay nito ay ilu­lun­sad ng sports agency sa Oktubre 28 ang first episode ng isang weekly web series na tinawag na Rise Up! Shape Up!.

Ang ‘Rise Up! Shape Up!’ ay isang kampanya ng PSC para hikayatin ang mga kababaihan, matanda man o bata, na kumilos at mag-workout habang nasa kanilang mga bahay.

 Sa launch episode ay magiging tampok na pa­na­uhin sina Asian Games gold medalist at eques­trienne Mikee Cojuangco-Jaworski at volleyball star at Philippine nationals team member Alyssa Valdez.

Habang unti-unti nang lumuluwag ang mga community quarantine ay hindi pa rin nawawala ang COVID-19 pandemic.

Muling pinaalalahanan ni Ramirez ang mga tao na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask, face shield at obserbahan ang social distancing.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with