Goma gagamitin ang popularidad

Ormoc City Mayor Richard Gomez
STAR/ File

Para makatulong sa mga nsas

MANILA, Philippines  — Gagamitin ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang kanyang popularidad bilang artista para matulungan ang mga National Sports Associations (NSAs) na makakuha ng private sponsors.

Ito ay kung maihahalal siya bilang second vice-president ng Philippine Olympic Committee (POC) sa eleksyong nakatakda sa Nobyembre 27.

“Maraming NSAs na hirap talagang maghanap ng pondo and sa POC we have the capacity to do that, tumulong at ilapit sila sa mga kumpanya kung saan puwedeng madagdagan iyong pondo nila,” ani Gomez, ang pangulo ng fencing at modern pentathlon associations.

Ang 54-anyos na si Gomez, dating national fencer, rower, shooter at volleyball player, ay nasa tiket ni POC incumbent president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na hahamunin ni Atty. Clint Aranas ng archery sa presidential seat.

Isa sa mga isyung pinag­tatalunan nina Tolen­tino at Aranas ay ang pagkakaroon ng age limit na 70-anyos sa mga kakandidato sa mga POC posts.

“A lot of people kasi would like to hang on to their positions kahit minsan ‘yong iba napakatanda na talaga at nakakatulog na sa mga meetings,” ani Gomez. “Kapag nasa ganoong edad ka na pagbigyan mo na iyong mga bata na mas active ang energy. Im in favor of the age limit.”

Show comments