Valdez todo suporta kay Kiefer

Alyssa Valdez
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Todo suporta si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa kasintahan nitong si NLEX star Kiefer Ra­vena na kasakuluyang nasa Clark bubble para sa PBA Season 45 Philippine Cup.

Simula noong magsimula ang PBA, hindi na nagkikita sina Valdez at Ravena dahil hindi maa­aring lumabas ang sinumang nasa bubble.

Ngunit bukas na bukas pa rin ang komunikasyon ng dalawa gamit ang iba’t ibang paraan gaya ng social media at iba pang uri ng video calling app.

Madalas na nanonood si Valdez sa mga laro ng Road Warriors kung saan nakita pa itong isa sa mga virtual fan na nasilayan sa isang PBA game.

Hindi maganda ang simula ng Road Warriors matapos lumasap ng sunud-sunod na kabiguan.

Nakalugmok ito sa i­lalim ng standings tangan ang 0-3 rekord.

Subalit nananatiling nakasuporta si Valdez sa kanyang kasintahan.

May tweet pa ito sa kanyang social media account para i-cheerup si Ravena.

Kamakailan, si Valdez pa ang naging kinatawan ni Ravena sa pagbubukas ng isang negosyo nito.

Kasama ni Valdez sa ribbon cutting ang ina ni Ravena na si Mozzy.

Sa ngayon, abala si Valdez sa iba’t ibang online guesting habang naghihintay ng go signal ang Premier Volleyball League (PVL) kung kailan maa­aring simulan ang ensayo ng mga koponan.

Show comments