Green sa Gilas Pilipinas posible!

Jalen Green
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi isinasara ni Filipino-American Jalen Green ang posibilidad na makapaglaro ito suot ang Gilas Pilipinas jersey sa mga international tournaments gaya ng FIBA World Cup.

Nakatakdang i-host ng Pilipinas ang FIBA World Cup sa 2023 kung saan bumubuo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng solidong koponan.

Kabilang sa mga nasa pool ang katropa nito sa NBA G League select team na si Kai Sotto.

Kaya naman nang tanungin ito tungkol sa Gilas Pilipinas stint, bukas ang loob ni Green na maka-pag­laro para sa bayan ng kanyang ina.

“It could be a possibility,” ani Green.

Nasa ina nitong si Green ang dugong Pinoy.

Tubong Ilocos Sur ang kanyang ina kaya’t maaari itong maglaro para sa Pilipinas sa mga darating na panahon. Subalit hindi ganun kadali ang pagdaraanan para maisakatuparan ito.

Sa kasalukuyan, Ame­rika ang dinadala nitong bansa sa mga internatio-nal competitions.

Naging bahagi na si Green ng US youth team na nagkampeon sa FIBA Under-19 World Cup na ginanap sa Greece noong nakaraang taon.

Sa katunayan, naging MVP pa ito noong 2018 FIBA Under-17 World Cup na ginanap sa Argentina.

Related video:

Show comments