^

PSN Palaro

Spurs may tsansa pa!

Pilipino Star Ngayon
Spurs may tsansa pa!
Houston Rockets
AFP

Giannis nang-headbutt sa panalo ng Bucks sa Wizards

LAKE BUENA VISTA, Florida, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ng Spurs para sa playoffs seat sa Western Conference.

Nagposte si Keldon Johnson ng 24 points at 11 rebounds sa pagbandera sa San Antonio sa 123-105 paggiba sa Houston Rockets at palakasin ang kanilang pag-asa para maging unang tropa sa NBA history na nakapasok sa ika-23 sunod na playoff appearances sa restart season kahapon dito.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Spurs at pang-lima sa pito nilang laro sa NBA bubble.

Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 23 points habang humakot si Jakob Poeltl ng 14 points at 12 rebounds.

Naglaro ang Rockets, nakahugot kay Russell Westbrook ng 20 points, na wala sina guards James Harden (rest) at Eric Gordon (ankle).

Umiskor naman si Brook Lopez ng 24 points para akayin ang Milwaukee Bucks sa 126-113 pagdaig sa Washington Wizards bagama’t nasibak sa laro si Giannis Antetokounmpo sa second quarter dahil sa pag-headbutt kay Moritz Wagner.

Tumipa si Sterling Brown ng 23 points at may 19 markers si Frank Mason para sa panalo ng Bucks, nauna nang nakamit ang No. 1 spot sa Eastern Conference, laban sa sibak nang Wizards (0-7).

Samantala, humataw si Damian Lillard ng career high na 61 points sa 134-131 paglusot ng Portland Trail Blazers kontra sa Dallas Mavericks para makadikit sa No. 8 place sa Western Conference.

Nagpasabog naman si Devin Booker ng 35 points para ihatid ang Phoenix Suns sa 130-117 paggupo sa Philadelphia 76ers .

Nagtala si Jayson Tatum ng 29 points para itulak ng Boston Celtics ang Memphis Grizzlies sa pagkakasibak sa playoffs mula sa kanilang 122-107 panalo.

Muli namang tinalo ng Sacramento Kings ang New Orleans Pelicans, 112-106.

vuukle comment

ROCKETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with