Abraham ‘Baham’ Mitra
Baham Mitra FB Page
GAB magpapatupad ng mahigpit na protocols sa pro boxing
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Istrikto ang gagawing pagpapatupad ng Games and Amusement Board (GAB) sa health at safety protocols para sa pagbabalik ng professional boxing sa eksena.

Ito, ayon kay GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Bago mangyari ang isang laban ay dadaan sa proseso ang mga boksingero.

“They will isolated for a few days hanggang lumabas ‘yung test,” wika ni Mitra sa mga pro boxers. “Tapos kapag lumabas na ‘yung test at nag-negative that’s the only time na papayagan na silang lumabas at lumaban.”

Sa kanilang protocol ay papayagan lamang ng GAB sa loob ng venue ang dalawang maglalabang boksingero, tig-isa nilang trainer, isang referee at tatlong judges.

Magiging closed-door ang nasabing laban.

“We were finding a way para matulungan ang mga promoters natin pero med­yo masakit din kasi wala talaga silang audience,” sabi ni Mitra.

Noong nakaraang linggo ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ng pro boxing at horseracing sa mga GCQ (General Community Quarantine) areas.

Nauna nang binasbasan ng IATF ang pagbabalik ng mga players ng Philippine Basketball Associaton (PBA) at Philippine Football League (PFL) sa training at conditioning sa mga GCQ areas.

“Bawal pa sa kanila ang mga team practices and scrimmages,” wika ni Mitra sa mga manlalaro ng PBA at PFL.

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with