Bucks nagsara rin ng practice facilities dahil sa COVID-19

MILWAUKEE -- Ang NBA-leading Bucks ang pinakabagong koponang nagpasara ng kanilang practice facilities bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Isinara ng Milkwaukee team ang kanilang pasilidad matapos matanggap ang resulta ng COVID-19 tests bagama’t hindi pa malinaw kung ilan ang nagpositibo sa coronavirus.

Nauna na itong ginawa ng Los Angeles Clippers, Denver Nuggets at Miami Heat.

Plano ng NBA na ibalik ang naudlot na 2019-2010 season sa isang quarantine environment sa Walt Disney World sa Orlando, Florida simula sa Hulyo 30.

Binanderahan ng Bucks ang NBA mula sa kanilang 53-12 record nang itigil ang mga laro noong Marso 11 dahil sa COVID-19 pandemic.

Show comments