^

PSN Palaro

3 boxers nakaabang kay Casimero

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3 boxers nakaabang kay Casimero
Rasheen Warren
STAR/File

Kung ‘di matuloy ang Inoue fight

MANILA, Philippines — Tatlong boksingero ang nakapila sakaling hindi matuloy ang unification bout nina World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero at World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue.

Sakaling hindi pa rin dumating si Inoue hanggang sa katapusan ng Hulyo, isasabak kay Casimero sinuman kina dating world title challenger Rasheen Warren ng Amerika, Jason Moloney ng Australia at Pedro Guevara ng Mexico.

Galing si Warren sa unanimous decision win kay Gilberto Mendoza noong Pebrero para umangat ang rekord nito sa 17-3 kabilang ang apat na knockouts.

Sariwa naman si Moloney sa seventh-round technical knockout win kontra kay Leonardo Baez noong Hunyo 25 sa Las Vegas, Nevada habang armado si Guevara ng 36-3-1 rekord kasama ang 21 knockouts.

Ayon sa Top Rank Promotions, hirap na makapunta si Inoue sa Amerika dahil sa problema nito sa visa.

Kaya naman wala itong maibigay na eksaktong petsa kung kailan ang laban nina Casimero at Inoue.

Bilang solusyon, humahanap na ang Top Rank ng mga posibleng makaharap ni Casimero.

At kabilang sina Guevara, Maloney at Warren sa mga posibleng makasuntukan ng Pinoy champion.

Handa si Casimero na harapin si Inoue saan mang lugar. Preparado rin ito kung nanaisin ng kampo ni Inoue na sa Japan ganapin ang laban.

Gigil na itong makasagupa si Inoue matapos maudlot ang kanilang salpukan na nakatakda sana noong Abril sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

“Kung pupunta ako sa Japan walang problema sa akin. Kahit saan kami maglaban kahit sa bahay niya lalaban ako,” ani Casimero.

Mataas ang morale ni Casimero na nasa perpektong kundisyon.

“Ako naman kaya ko talaga kahit sino kalaban ko basta tama ang ensayo ko, walang tatalo basta nasa kundisyon ako,” wika pa ni Casimero.

Hindi rin maitago ni Casimero ang pagkasabik nito sa kanyang pamilya lalo na sa mga panahong ito ng pandemya.

“Iba pa rin na kasama mo ‘yung pamilya mo,” dagdag ni Casimero.

vuukle comment

JOHN RIEL CASIMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with