^

PSN Palaro

Marcial maagang makukuha ang pamatay na kondisyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Marcial maagang makukuha ang pamatay na kondisyon
Eumir Felix Marcial
STAR/File

MANILA, Philippines — Para kay amateur bo­xing sensation Eumir Felix Marcial, sapat na ang dalawang buwan para ma­kabalik siya sa pamatay na kondisyon at porma.

Noong nakaraang linggo ay inihayag ni Phi­lippine Sports Commission (PSC) Officer-in-Charge (OIC) Ramon Fernandez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbalik-ensayo sina Marcial at flyweight Irish Magno sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Ito ay sa gitna ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Siguro mga three months fit na fit na ako nun. Ready to fight na tayo,” wika ni Marcial sa pa­nayam ng Sports Lockdown. “Si­guro mga dalawang buwan good na iyon para sa akin. Mahaba na ‘yung tatlong buwan.”

Sina Marcial at Magno, kasama sina pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo, ang sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyang nasa Imus, Cavite si Marcial habang naka-quarantine naman si Magno sa Philsports Complex sa Pasig City.

“Medyo mahirap lang sa training kasi bawal pa lumabas, bawal pa tumakbo,” wika ng tubong Zamboanga City na si Marcial. “Dito lang ako sa bahay ng kapatid ko, tutulung-tulong na mag-renovate rito sa bahay.”

Nagsasanay si Obiena sa Formia, Italy at nanatili naman si Yulo sa Japan kasama ang kanyang Japanese coach.

vuukle comment

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with