^

PSN Palaro

PBA tagilid pa rin!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA tagilid pa rin!
“GCQ pa rin ang Metro Manila instead of the modified general community quarantine we were expec­ting,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.
STAR/File

NCR mananatiling GCQ

MANILA, Philippines — Wala pa rin katiyakan kung kailan magbabalik-aksyon ang Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) dahil mataas pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Magtatagal ito hanggang sa Hulyo 15.

Umaasa sana ang pamunuan ng PBA sa mas maluwag na modified ge-neral community quarantine (MGCQ).

Subalit wala itong magagawa kundi ang sumunod sa ipinatutupad ng gobyerno para na rin sa kaligtasan ng mga manlalaro, coaches at opisyales ng liga.

“GCQ pa rin ang Metro Manila instead of the modified general community quarantine we were expec­ting,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.

Muling hihintayin ng PBA ang panibagong a­nunsiyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung kailan luluwag ang pagpapatupad ng community quarantine.

Hiniling ng PBA sa IATF na pahintulunan ang mga koponan na magsagawa ng ensayo upang manati­ling nasa kundisyon ang mga manlalaro.

Base sa naunang inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Resolution No. 38, hindi kasama ang basketball sa pinapayagang aktibidad.

Tanging outdoor at non-contact sports lamang ang inaprubahan gaya ng wal­king, jogging, running, biking, tennis at swimming na may kalakip na pagpapatupad ng mahigpit na health standards.

“We remain waiting for the government’s IATF decision on when our teams can start practicing as we requested,” wika ni Marcial.

Mahigpit ang PBA sa pagpapatupad ng regulasyon.

Isang “no test, no practice” ang inilatag nito para masiguro na hindi magkahawaan ang mga manlalaro gaya ng nangyari sa NBA.

vuukle comment

GCQ

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with