Eumir Felix Marcial at ABAP chief Ricky Vargas
STAR/ File
Marcial, ABAP walang hidwaan!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial na walang namumuong hidwaan sa pagitan ng kanyang kampo at ng Association of Boxing Allia Nilinaw ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial na walang namumuong hidwaan sa pagitan ng kanyang kampo at ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Muling iginiit ni Marcial na mataas ang respeto nito sa pamunuan ng ABAP partikular na kina ABAP chief Ricky Vargas at secretary general Ed Picson.

Malaki ang naitulong ng ABAP para umangat ang kanyang amateur boxing career kaya’t hindi sumagi sa isip ito na wasakin ang magandang relasyon nito sa asosasyon.

Aminado si Marcial na humihingi ito ng payo sa ilang mga eksperto para sa kanyang planong pumasok sa professional boxing.

Subalit tiniyak ng 24-anyos na Zamboanga City pride na ABAP ang magiging katuwang nito sa pag-abot sa pangarap na makuha ang gintong medalya sa Olympics.

Sinabi pa ni Marcial na sina Vargas at Picson ang tumutulong sa kanya para makipag-usap sa mga professional boxing managers para matiyak na hindi maaapek­tuhan ang kanyang preparasyon para sa Olympics.

“Alam ko naman na ang ikabubuti ko ang hangad nina Mr. Vargas at Sir Ed. Kanilang pag-aaralan ang mga alok, at ilalatag nila sa akin ang mga iyon at nasa akin pa rin ang huling desis­yon,” wika ng three-time Southeast Asian Games champion na si Marcial.

Siniguro naman ni Picson na hindi haharangin ng ABAP ang plano ni Marcial na pumasok sa pro boxing.

Sa katunayan, mismong sina Vargas at Picson ang kumausap kay boxing manager Shelly Finkel na isa sa mga promoters na lumiligaw kay Marcial.

“Mr. Vargas and I spoke with renowned professional boxing manager Shelly Finkel and our conversation was frank, cordial and enlightening. Of course we told him that we would also like to hear from other inte­rested parties,” ani Picson.

Hangad lamang ng ABAP na magkaroon si Marcial ng pinakamagandang offer para sa kanyang pro boxing plans.

“If we were to stop Marcial from exploring  professional boxing opportunities, why would we speak with those interested in him? We just want to ensure that Eumir gets the best deal possible and that it will not conflict with the Olympic goal,” ani Picson.

Humingi rin ng patawad si Marcial sa ABAP dahil sa kaliwa’t kanang ulat na naglabasan.

“Nag-text na nga ako kay Mr. Vargas para mag-sorry. Hindi ko talaga magagawa na masaktan ang mga opisyal at mga kasamahan ko sa ABAP,” pagtatapos ni Marcial.

ABAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with