Heavyweight
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

Hindi malayong mauwi sa dalawang conference ang 45h PBA season.

Kung magtatagal pa ang COVID crisis, no choice ang PBA kundi katayin ang schedule.

Naka-isang playdate pa lang ang Philippine Cup nang lumabas ang quarantine order.

Dahil dito, suspended ang PBA, MPBL, Superliga, UAAP, NCAA at iba pa.

 Mukhang matatagalan pa.

Kaya naman nagpatawag ng online conference call ang PBA para sa team owners at commissioner Willie Marcia.

Social distancing kaya sa computer sila mag-uusap-usap.

Sabi ni kume, sa June ang pinakamaagang balik ng PBA. Dahil maayos man lahat sa madaling panahon ay kailangan ng oras para mag-prepare ang teams.

Kaya ang mangyayari ay baka tapusin ang Philippine Cup at pipili na lang kung ano sa Commissioner’s Cup at Governors Cup ang lalaruin.

Hindi pwedeng mawala ang Philippine Cup.

Wala tayong magagawa. Nag-suffer talaga ang mundo ng sports dahil sa virus.

Maging sa ibang bansa, tinamaan lahat. Maski ang NBA, hindi nakalusot.

Heavyweight ang kalaban.

45H PBA SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with