Morales uli sa stage 7
Nilda Moreno (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2020 - 12:00am

Navy riders ‘di matibag sa overall

PALAYAN City, Philippines — Mahirap na ruta ang papuntang Baguio pero para kay Standard Insurance-Navy rider George Oconer ay kailangan kayanin upang manatili sa kanila ang overall individual at team classification sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary.

Hindi nagalaw ang puwesto sa individual at team matapos manalo ni two-time champion Jan Paul Morales ng Navy sa Stage 7 na nagsimula sa Tarlac City kahapon.

Pangalawa na ito ng 34-anyos na si Morales, nagwagi siya sa Stage 6 noong Sabado.

Nanati­ling na­sa tuktok ng overall IC si Oconer, 28, may aggregate clocking itong 23 oras, apat na minuto at 13 segundo matapos ang pitong stages.

Tatlong stages na lang pero ayaw pang maniguro ni Oconer na anak ni two-time Olympian, Norberto, gagawin na lang nila ang lahat upang malampasan ang nasabing mahirap na biyahe dahil aakyatin nila ang matatarik na daan papuntang Baguio sa pag­larga ng 170km Stage Eight nga­yong araw.

“Mahaba ‘yung ahon bukas, gagawin namin ang best ,” saad ni Oconer. “Kaka­yanin namin ito, nandito na kami eh, ilalaban na namin ito kasi nagpunta kami rito para manalo sa team at individual”.

Nasa second spot ng overall IC si Navy at 2018 king Ronald Oranza sa event na inorganisa ng LBC at pakiki­pagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Ang ibang Navy riders na nasa third hanggang sixth sa IC ay sina Ronald Lomotos, (3rd), John Mark Camingao, (4th), Junrey Navarra, (5th) at El Joshua Carino, (6th).

Samantala, tuluyan ng ikakahon ng Standard Insu­rance ang overall team classification, nakalikom sila ng 92:18.09 lamang ng 23 minutes at 40 seconds sa segundang Go for Gold, pangatlo ang Army habang pang-apat ang 7Eleven.

LBC RONDA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with