Bucks swak sa playoffs

MILWAUKEE – Kahit walang laro ay pormal nang nasikwat ng Bucks ang tiket sa postseason, isang linggo matapos ang 2020 All-Star Game.

Ang Milwaukee ang naging unang koponan sa NBA na kumuha ng playoff berth matapos mabigo ang Washington Wizards sa Chicago Bulls.

Ang Wizards ay nasa ninth place sa Eastern Conference na siyang dino­domina ng Bucks.

Tangan ng Milwaukee ang 48-8 record para samahan ang Golden State Warriors (2015-16) at Chicago Bulls (1995-96) bilang mga tanging tropa sa NBA history na nanalo ng 70 games.

Sa Chicago, humataw si Coby White ng 33 points para akayin ang Bulls sa 126-117 paggupo sa Wi­zards.

Nalampasan ng Chicago ang pinasabog na career-high 53 ni Wa­shington guard Bradley Beal para wakasan ang kanilang eight-game losing slump.

Nagdagdag si Zach LaVine ng 32 points at binasag ang franchise record para sa 3-pointers sa isang season.

Sa Portland, naglista si CJ McCollum ng 41 points, career-high 12 assists at 9 rebounds habang kumamada si Carmelo Anthony ng season-high 32 points para tulungan ang Trail Blazers sa 107-104 paggupo sa Detroit Pistons.

Humataw naman si reserve big man Christian Wood ng 26 points at 9 rebounds sa panig ng Pistons.

Show comments