Philippine squash pumalo ng 2 ginto sa SEA Cup
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humakot ang national squash team ng dalawang ginto at apat na tansong medalya sa 6th Southeast Asian Cup Squash Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Winalis ng Pilipinas ang dalawang gintong medalya sa jumbo doubles matapos hablutin ang korona sa men’s at women’s divisions.

Nagsanib-puwersa sina Robert Garcia at David William Pelino upang patumbahin sina Satria Laksana at Agung Wilant ng Indonesia sa pamamagitan ng 12-15, 15-14, 11-3 desis­yon sa men’s finals para masiguro ang ginto.

Agad namang sumalo sa tagumpay sina Jemyca Aribado at Yvonne Alyssa Dalida nang ilampaso ng Pinay duo sina Nisa Nur Fadillah at Yaisha Putri Yasandi ng Indonesia, 15-8, 15-7, tungo sa kam­peonato sa women’s division.

Nakahirit naman ng tig-iisang tanso sina Aribado, Garcia, Dalida at dating gold medallist Reymark Begornia sa singles events.

Nalampasan ng Pinoy squad ang isang ginto at isang pilak na medalyang nakuha nito noong 2016 edisyon ng torneo na ginanap sa Myanmar. 

6TH SOUTHEAST ASIAN CUP SQUASH CHAMPIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with