^

PSN Palaro

Nangangamoy semis sa Bacoor, Basilan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilampaso ng No. 2 seed Bacoor Strikers ang No. 7 General Santos Warriors, 95-72  habang pinataob ng No. 3 seed Basilan Steel ang No. 6 seed Iloilo United Ro­yals, 83-68, sa Game 1 ng best-of-three Quarterfinal series ng Southern Division sa pagpapatuloy ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go  Lakan Cup sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Sa umpisa pa lamang umarangkada na ang Stri-kers ng 20-4 run sa pangunguna ni Datu Cup MVP Gab Banal para lumayo agad at mula roon hindi na hinayaan ang Warriors na maka-porma pa tungo sa 1-0 lead sa serye.

Tumapos si Banal ng 20 puntos, 11 assists, tatlong rebounds at dalawang steals at tumulong din ng 15 puntos, 12 rebounds. dalawang assists at isang block si Michael Mabulac para sa Strikers.

Nag-ambag din ng 13 puntos si Chris Sumalinog na may kasamang limang rebounds, tatlong assists at tatlong steals at tig-10 puntos naman sina Ian Melen­cio at RJ Ramirez para sa magandang umpisa sa playoff round.

Kapwa asam ng Bacoor at Basilan na tapusin na ang serye sa Game 2 sa Lunes sa Basilan City Gym.

Ang magwawagi sa quarterfinal battle ng Bacoor at GenSan Warriors at ng Basilan laban sa Iloilo ay ang maghaharap sa best-of-three Division semifinal round.

Samantala, tangan ang 1-0 bentahe, hangad ng top seed Davao Occidental Tigers na angkinin ang South Division semis berth sa pagharap kontra sa No. 8 Bicol Volcanoes habang paborito rin na magtagumpay ang No. 5 Zamboanga laban sa No. 4 seed Batangas sa Game 2 ngayon sa Batangas City Coliseum.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with