Parks Jr. pinapirma uli ng TNT Katropa

MANILA, Philippines — Binigyan ng bagong isang taong kontrata ng Talk ‘N Text si Bobby Ray Parks Jr. ilang linggo bago magsimula ang PBA Season 45 sa susunod na buwan.

Ito ang kunumpirma ni TNT team manager Gabby Cui.

Sa loob ng kampo ng Katropa, nagtala si Parks ng average na 12.2 points per game para maging bahagi ng TNT na nakapasok sa semis sa Governors’ Cup.

Second pick si Parks sa 2018 PBA Draft kung saan napunta ito sa Blackwater.

Nagtala si Parks ng averages na 18.8 points, 6.3 rebounds, 3,5 assists at 1.4 steals sa kanyang rookie season sa Elite.

Samantala, niluluto na ang three-way trade sa pagitan ng Talk ‘N Text, NLEX at Blackwater na kinapapalooban nina Poy Erram, Ed Daquioag at Anthony Semerad.

Mapupunta sa Road Warriors si Anthony Semerad at ilang draft picks habang tutulak sa Elite sina Daquioag, Marion Magat at dalawang draft picks.

Kukunin naman ng Katropa si Erram kasama ang first-round selection sa draft.

Inaasahang kukumpirmahin ng PBA Commissioner’s Office anumang oras ang naturang trade.

Show comments