Bataan lusot sa Navotas sa MPBL
MANILA, Philippines — Nalampasan ng Bataan Risers ang hamon ng Navotas Uni-Pak Sardines, 81-78, sa Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Valenzuela Astrodome sa Valenzuela Cty.
Umiskor si John Bryron Villarias ng 10 sa kanyang 16 points sa fourth period para itaas ang Bataan sa 18-9 kartada at palakasin ang tsansa sa fourth spot sa Northern Division.
Mula sa arangkada ni Villarias ay naputol ang 7-20 atake ng Navotas na lumapit sa 78-80 buhat sa triple ni Osama Abdurasad.
Bukod kay Villarias, nagtala rin ng 18 points at 7 rebounds si Enrico John Llanto, habang may 14 markers si James Darwin Castro bukod pa sa 3 rebounds at 3 assists.
Nagtala naman ng 17 points si Jhong Bondoc para sa Navotas at may 16 at 14 markers sina Mark Anthony Guillen at Abdurasad, ayon sa pagkakasunod.
Sa iba pang laro, nagwagi ang Valenzuela Classic kontra sa Rizal Golden Coolers, 81-77, at inilampaso ng Marikina Shoemasters ang Parañaque Patriots, 89-82.
Tumipa si Paolo Hubalde ng 27 points para sa Classic.
- Latest