Suns âdi umubra sa Rockets
Tinangkang supalpalin ni Devin Booker ng Suns si James Harden ng Rockets sa aksyong ito.
Suns ‘di umubra sa Rockets
(Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

HOUSTON -- Bagama’t naging masama ang kanyang shooting ay si James Harden pa rin ang nag-akay sa Rockets sa panalo.

Humugot si Harden ng 18 sa kanyang 34 points sa fourth period para pamunuan ang Houston sa 115-109 panalo kontra sa bisitang Phoenix Suns.

Umiskor si Ben McLemore ng 27 markers para sa Rockets.

Itinala naman ni Russell Westbrook ang 24 points, 14 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikatlong dikit na triple-double at ikaanim ngayong season.

Pinangunahan ni Devin Booker ang Phoenix mula sa kanyang 35 points matapos humataw ng season-high 44 markers sa kanilang overtime victory laban

sa New Orleans Pelicans noong Huwebes.

Sa Dallas, umiskor si Luca Doncic ng 28 points sa loob ng 26 minuto at naglista si Kristaps Porzi­ngis ng 13 points at ang ika-1,500 rebound ng kanyang

career sa 130-184 paggiba ng Ma­vericks laban sa Pelicans.

Kumolekta si Boban Marjanovic ng mga season highs na 15 points at 16 rebounds para sa pang-limang sunod na pana­nalasa ng Dallas.

Sa Philadelphia, ipinasok ni Ben Simmons ang kanyang ikalawang career three-pointer para sa kanyang career-high 34 points sa 141-94 pagdurog ng

76ers laban sa Cleveland Cavaliers.

BEN MCLEMORE JAMES HARDEN PHOENIX SUNS ROCKETS RUSSELL WESTBROOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with