Binura ni Fil-Am sperinter Kristina Knott ang SEA Games record sa women’s 200m dash para angkinin ang gold medal.
Jun Mendoza
Obiena, Knott bumura ng SEAG record
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

CAPAS, Tarlac, Philippines -- Dalawang bagong record sa iisang gabi.

Ito ang itinala nina Fil-American sprinter Kristina Knott at Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sa track and field competition ng 30th Southeast Asian Games kagabi dito sa New Clark City Athletics Stadium.

“I don’t even know. I have to go back and look,” wika ni Knott ilang minuto matapos magsumite ng bagong SEA Games record na 23.01 segundo para itakbo ang gintong medalya sa women’s 200-meter dash.

Sinira ng 24-anyos na si Knott ang naunang SEA Games mark na 23.30 segundo ni Supavadee Khawpeag na itinala ng Thai trackster 18 taon na ang nakakalipas sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nauna na niya itong binasag sa heats sa kanyang bilis na 23.07 segundo. Iniwan ni Knott sina Tu Chinh Le (23.45) ng Vietnam at Veronica Shanti Pereira (23.77) ng Singapore na nakuntento sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

Lumundag naman si Obiena, nakapagbulsa ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics, ng bagong SEA Games record na 5.45m para kunin ang gold medal sa men’s pole vault event.

Ibinasura ng 23-anyos na si Obiena ang 5.35m ni Porranot Purahong ng Thailand na naitayo noong 2017 SEA Games sa Malaysia.

Tinalo ni Obiena sina Purahong (5.20m) ng Thailand at Iskandar Alwi (5.00m) ng Malaysia.

Ito ang ikatlong ginto ng bansa sa athletics matapos magreyna si Christine Hallasgo sa women’s marathon noong Biyernes.

ERNEST JOHN OBIENA R KRISTINA KNOTT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with