Katropa target ang bonus
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng Talk ‘N Text na masungkit ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa pagsabak nito sa grand slam-seeking San Miguel Beer ngayong araw sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Magtutuos ang Katropa at Beermen sa alas-7 ng gabi habang magpapang-abot naman sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ang Alaska at NLEX.

Hawak ng TNT ang No. 3 spot tangan ang 7-3 habang nasa No. 4 ang Barangay Ginebra na may 7-4 marka at No. 5 ang SMB tangan ang 6-4 kartada.

Ayaw na ng Katropa na maging kumplikado pa ang sitwasyon nito kaya’t inaasahang ibubuhos na nito ang lahat para masiguro ang twice-to-beat sa quarterfinals.

Galing ito sa kabiguan sa NLEX (113-126), Barangay Ginebra (93-96) at Magnolia (93-100).

Kailangang kumayod ng husto si import KJ McDaniels katuwang ang mga local players gaya ni Bobby Ray Parks.

Nagtala si McDaniels ng 33 points at 15 rebounds habang may 21 markers naman si Parks sa kanilang huling laro noong Sabado sa Davao City.

Ngunit matinding pagsubok ang pagdaraanan ng TNT dahil desidido rin ang SMB na makuha ang panalo para sa insentibo.

Tahimik ang kampo ng Beermen matapos ang suntukang naganap sa training ng tropa noong Linggo sa Upper Deck court sa Pasig City.

Nasangkot sa gulo sina Ronald Tubid, Arwind Santos, Kelly Nabong at dating import Dez Wells na pinalitan na ni John Holland.

DEZ WELLS MCDANIELS TALK ‘N TEXT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with