Philip Juico
File
6 golds pangako ng athletics sa 2019 SEAG
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Juico ang kanyang mga at­leta na ibigay ang lahat ng makakaya para makuha ang gold medal sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Sa medal projection ng PATAFA ay inaasahan ni Juico na makakakuha si­la ng 6 golds, 10 silvers at 8 bronzes sa sa athletics competitions na nakatakda sa Disyembre 5-10 sa 20,000-seat New Clark City athletics’ stadium sa loob ng 9,500-hectare NCC sports complex.

Kabilang sina Harry Dio­nes at Aries Toledo sa malaki ang tsansang ma­kapagtakbo ng gintong me­dalya sa kanilang mga event.

“Sa triple jump, it’s Harry Dio­nes. He has been a little inconsistent, kaya lang tu­ma­taas ang ranking niya. From silver, puwedeng mag-gold iyan,” wika ni Jui­co. “In decathlon, it’s A­ries Toledo, who won gold in Kuala Lumpur. Probab­ly good for a silver, pero puwe­de ring mag-gold.”

“We urge them to go for it. Ibigay na ang lahat for our country,” dagdag pa nito.

Ang iba pang inaasa­hang makakakuha ng gold me­dal sa kanilang mga events ay sina reigning ma­rathon champion Mary Joy Ta­bal, pole vaulters Ernest John Obiena at Natalie Uy, 800-meter specialist Car­ter Lilly, hurdles champ Eric Cray, sprinter Kristina Knott at ang bagong hugot na si shot-putter William Morrison.

Bumato ang 21-anyos na si Morrison ng 20.4 meters sa Bloomington, India­na noong Hunyo na mas ma­ganda sa itinalang 17.42m ni Prom­rob Juntima ng Thailand para sa gold me­dal noong 2017 SEA Games.

“Morrison is a candidate for the Olympics. Kaya because he is throwing in the 20s,” sabi ni Juico kay Morrison na isang metro lamang ang layo sa Olympic standard na 21.1m para mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Si Cray ang best bet sa men’s 400-meter hurdles dahil sa kanyang pagiging No. 1 sa SEA rankings.

Nariyan din sina Obie­na, may tiket na sa 2020 Olympics, Uy at Lilly.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with