Humakot si import Romeo Travis ng 21 points, 12 rebounds at 3 assists para sa 100-93 paggupo ng nagdedepensang Magnolia Hotshots kontra sa Tropang Texters sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa University of Southeas­tern Philippines Gym sa Da­vao City.
PBA Images
Hotshots pasok sa quarters
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay nabigo naman ang TNT Katropa na mai­bulsa ang isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round.

Humakot si import Romeo Travis ng 21 points, 12 rebounds at 3 assists para sa 100-93 paggupo ng nagdedepensang Magnolia Hotshots kontra sa Tropang Texters sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa University of Southeas­tern Philippines Gym sa Da­vao City.

Nagdagdag ng tig-13 markers sina guards Chris Banchero at Mark Barroca para akayin ang Magnolia sa quarterfinals bitbit ang 6-5 baraha.

Ito naman ang pangatlong dikit na kamalasan ng TNT Katropa para sa 7-3 marka.

Kinuha ng Hotshots ang 35-24 abante mula sa three-point shot ni Barro­ca sa 8:32 minuto ng second period hanggang iposte ang 22-point lead, 53-31 galing sa basket ni Banchero.

Nakadikit naman ang Tropang Texters sa 45-56 sa third quarter sa likod nina import KJ McDaniels, RR Pogoy at No. 2 overall pick Bobby Ray, Parks, Jr.

Pinamunuan ni McDa­niels ang TNT Katropa sa kanyang 33 points kasunod ang 21 markers ni Parks.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with