Naggigirian sina Rockets’ James Harden at Clippers’ Montrezl Harrell sa aksyong ito.
Harden humataw sa Rockets
(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

HOUSTON -- Nagpasabog si James Harden ng 47 points at nalampasan ng Rockets ang Clippers, 102-93 sa laro kung saan nasibak si Los Angeles head coach Doc Rivers sa fourth quarter.

Hawak ng Houston ang two-point lead sa huling dalawang minuto ng fourth period nang ma-foul out si Los Angeles guard Patrick Beverley.

Tumipa si Harden ng dalawang free throws kasunod ang pagdakma sa isang rebound at kumonekta ng three-point shot para iwanan ang Clippers sa 95-88.

Tinawagan si Beverley ng technical foul sa isang timeout na nagresulta sa dalawang charities ni Harden.

Dalawang technical fouls naman ang itinawag kay Rivers para sa dalawa pang free throws ni Harden kasunod ang triple ni JaMychal Green para idikit ang Los Angeles.

Naagaw naman ni Harden ang bola kay Kawhi Leonard sa posesyon ng Clippers at isinalpak ni Tyson Chandler ang kanyang reverse dunk sa huling 37 segundo para sa 100-91 bentahe ng Rockets.

Sa Portland, humataw si Pascal Siakam ng 36 points, habang may 30 markers si guard Fred VanVleet para pamunuan ang 114-106 pagdaig ng Toronto Raptors kontra sa Trail Blazers.

Iniskor ni Siakam ang 13 points sa fourth quarter para ibangon ang Toronto mula sa naunang kabiguan sa Clippers.

Sa Los Angeles, nagsumite si LeBron James ng 23 points at 12 assists sa tatlong yugto at nag-ambag si Kyle Kuzma ng 22 points para sa 120-94 paggupo ng Lakers laban sa Golden State Warriors.

Pinaganda ng Lakers ang kanilang NBA-best record sa 9-2 bagama’t hindi naglaro si Anthony Davis na may sore right shoulder.

JAMES HARDEN NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with