Gin Kings tangka ang bonus vs Dyip
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Barangay Ginebra ang twice-to-beat’ incentive habang hangad ng Columbian na mapasama sa eight-team quarterfinal round.

Lalabanan ng Gin Kings ang Dyip ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng mga sibak nang Phoenix Fuel Masters at Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula ang Ginebra (6-3) sa dramatikong 99-96 overtime win laban sa TNT Katropa (7-2) para pormal na angkinin ang quarterfinals ticket.

“Iyong ganitong mga grind-out game, we don’t need blowout game kasi parang wala kaming matututunan,” sabi ni veteran point guard LA Tenorio. “Iyong ganitong klase ng game ang kailangan namin sa playoffs.”

Sa quarterfinals ay magkakaroon ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

Matapos ang Dyip (4-6) ay lalabanan ng Gin Kings ang NorthPort Batang Pier (4-6).

“These last two games playoff mode na sa amin. It doesn’t matter kung sino man ang kalaban namin,” wika pa ni Tenorio, muling makakatuwang sa Ginebra sina import Justin Brownlee, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Aasahan naman ng Columbian sina import Khapri Alston, No. 1 overall pick CJ Perez, Rashawn McCarthy, Jackson Corpuz at Reden Celda.

Naisuko ng Dyip ang huli nilang dalawang laro kontra sa Meralco (8-2), 74-92  at nagdedepensang Magnolia (5-5), 103-118.

Nagposte si Perez ng mga averages na 23.6 points, 7.9 rebounds, 3.6 assists at 2.4 steals sa pitong laro ng Columbian noong Oktubre.

GIN KINGS PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with