Dula 4 na gold ang pinalubog sa GenSan swim meet
Ipinamalas ni Marc Bryan Dula ang tikas nito sa 50m backstroke sa 1st Short Course Swimming Championships na idinaos sa GenSan.
Chris Co

Dula 4 na gold ang pinalubog sa GenSan swim meet

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humakot si Philippine Swimming League (PSL) standout Marc Bryan Dula ng apat na gintong medalya sa 1st Short Course Swimming Championships na ginanap sa General Santos City.

Unang umariba ang Masville National High School student sa 50m backstroke matapos magtala ng 30.70 segundo para masikwat ang kanyang unang gintong medalya.

Sinundan ito ni Dula ng isa pang gold-medal performance sa 50m butterfly nang magsumite ng 28.50 segundo bago kumana ng isa pang ginto sa 100m freestyle sa bilis na 1:00.60.

Tinapos ni Dula ang unang araw ng kumpetisyon nang pagharian ang 100m butterfly tangan ang impresibong 1:05.40 para makumpleto ang four-gold sweep.

“We want to compete in as many competitions as we can to further hone his skills. It’s one way of gauging his skills and improve his times,” wika ni PSL president Alexandre Papa.

Pinaghahandaan ni Dula ang pagsabak sa 2020 Palarong Pambansa qualifying tournament gayundin ang partisipasyon sa iba’t ibang international tournaments sa Japan, United Arab Emirates at Singapore.

“Our focus right now is to improve his times for the Palarong Pambansa qualifying and for our international competitions next year. We want to expose him not only in local events but also in international tournaments,” dagdag ni Papa.

Sunod na lalahukan ni Dula ang 166th Philippine Swimming League (PSL) Swimming Championships Class AB and C Category na idaraos sa Nobyembre 23 hanggang 24 sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with