Kulang ‘man, napupunan pa rin
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

(Last part)

Punong-puno ng saysay at kulay ang unang Linggo ng ensayo namin sa Japan dahil kumpleto kami. Dito hindi lang namin nabibigyan ng pansin ang pagpapakadalubhasa sa volleyball skills, nabubuo rin namin ang magandang samahan sa loob at labas ng court. Nakapokus din kami sa pagtatagpi-tagpi ng bawat isa upang maging buo kami na parang isang pamilya. Ngunit matapos ang isang Linggo, kinailangan nina Alyssa Valdez at Jia Morado na lumisan ng mas maaga sa Japan upang humabol sa semifinals ng ligang Larong Volleyball sa Pilipinas. Isa talaga ito sa mga pagsubok na kinakaharap naming mga atleta.  Hindi lang sina Jia at Alyssa, may mga panahon na nagkakaroon din ng komplikasyon ang iskedyul ng mga players sa Philippine Super Liga tulad namin na naglalaro sa torneong ito, dahil sa conflict ng iskedyul ng games na siya namang tumatama sa ensayo ng National Team. Ngunit tulad ng isang pamilya, ang mga pagsubok na kagaya nito ay nireresolba ng may ma­lawak na pag-intindi at pag-unawa. Kaya, kung may mga pagkakataon man na hindi kami nakukumpleto at nagkukulang-kulang kami sa ensayo, ang mga manlalaro na natira ang nagpupunan nito.

Hindi nagpapabaya dahil ibinibigay pa rin ang sarili sa ensayo. Naipapamalas pa rin ang husay sa paglalaro dahil dedikado at desididong matuto. Kaya naman bagama’t marami ang suliraning kinakaharap ng team, ang lahat ng ito ay nasusulusyunan din.  Sobrang proud ako sa team na ito dahil kahit na hindi kami consistently nakukumpleto since the first day na magsimula kaming mag-ensyo ngayong taon, ang mga kasama ko ay napaka-talentado. Hindi ko naramdamang may kulang kasi sobra-sobra ang ibinibigay ng bawat isa, kaya kulang ‘man ay napupunan pa rin.

ALYSSA VALDEZ JIA MORADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with