Lakers, Clippers magkakasubukan
(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

James-Davis vs Leonard-George

PLAYA VISTA, Calif. -- Matapos sumabak sa dalawang laro lamang sa kanilang mga preseason games, sinabi ni Kawhi Leonard na magtatrabaho siya nang husto para sa kanyang LA Clippers debut laban sa Los Angeles La­kers sa pagbubukas ng NBA season ngayon.

Napanood si Leonard sa kabuuang 33 minuto sa preseason at nagtala ng mga averages na 10 points, four assists at 1.5 rebounds sa  dalawang laro para sa Clippers.

Sumabak siya sa kabuuang 60 regular-season games sa nakaraang season sa paggiya niya sa Toronto Raptors sa kauna-unahang NBA championship laban sa Golden State Warriors.

Sa kanyang paglipat sa Clippers ay makakatuwang ni Leonard si Paul George, nagmula sa Oklahoma City Thunder.

“Just here to help win games,” ani Leonard. “Try to build a culture of winning and making everybody know that we’re playing ‘til April focused on regular season first and then (postseason) and that’s pretty much it. Just trying to be the smartest team every night and try to build on something.”

Sinabi ni Clippers head coach Doc Rivers na walang playing-time cap sa bago niyang star forward sa kanilang pagharap kina LeBron James at Anthony Davis ng LA Lakers.

“It’s hard to explain,” wika ni Rivers sa work ethic ni Leonard.

Sa isa pang opening game bibisitahin ng New Orleans ang Toronto para sumagupa sa Raptors na wala ang No. 1 overall draft pick ng Pelicans na si Zion Williamson.

Hindi masisilayan sa kanyang debut game si Williamson matapos  o­perahan sa kanang tuhod dahilan para maupo siya sa bench ng anim hanggang walong linggo.

KAWHI LEONARD LA CLIPPERS LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with