PSC todo suporta sa SEAG athletes
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na naaalagaan ng husto ang mga atletang sasabak sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, ang mga atleta ang makikipagbangasan laban sa mga SEA Games rivals kaya’t nararapat lamang na itodo ang suporta para sa kanila.

“The heart and soul of this SEA Games are the athletes and we are taking care of them. We have not been remiss,” ani Ramirez sa pagbisita nito sa lingguhan Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila.

Mula sa dating pondo na P300 milyon, gumastos ang PSC ng P1 bilyon para masigurong naibibigay ang pangangailangan ng mga atleta.

 “We went beyond that (old budget). As of September this year, the PSC has spent P1 billion for our athletes,” ani Ramirez na tatayong Chef de Mission sa SEA Games.

Kabilang sa mga ginastusan ng PSC ang foreign exposure at equipment gayundin ang pagtaas ng daily at meal allowances ng mga athletes (651 male at 462 female) at coaches (346) at ang pagsasaayos sa athletes quarters at trai­ning facilities.

Sumasailalim sa renobasyon ang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila kasama rin ang Philsports Arena sa Pasig at Teachers’ Camp sa Baguio City.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with